Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 30:10-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. “Kung ang isang babaing may asawa ay mamanata o mangako,

11. may bisa ito kapag hindi tumutol ang kanyang asawa sa araw na malaman niya ito.

12. Ngunit ang panata o sumpa ng babae ay hindi magkakabisa kapag tumutol ang lalaki sa sandaling marinig niya ito. Siya'y walang sagutin kay Yahweh sapagkat tutol ang kanyang asawa.

13. Anumang panata o pangakong gawin ng babae ay walang kabuluhan kung tututulan ng kanyang asawa, ngunit magkakabisa kung sasang-ayunan nito.

14. Kapag hindi tumutol ang lalaki sa araw na malaman niya ang panata ng asawa, may bisa ang panatang iyon.

15. Ngunit kapag pinawalang-bisa niya iyon pagkaraan ng ilang araw, siya ang mananagot sa di pagtupad ng kanyang asawa.”

16. Ito ang mga tuntuning sinabi ni Yahweh kay Moises, tungkol sa panata ng mga dalagang nasa poder pa ng kanilang magulang o ng mga babaing may asawa na.