Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 28:28-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis ng olibo para sa bawat toro, isang salop para sa bawat lalaking tupa

29. at kalahating salop para sa bawat batang tupa.

30. Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng kasalanan ng bayan.

31. Ito'y ihahandog ninyo, kasama ng handog na inumin, bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkaing butil. Kinakailangang ang mga ito'y walang kapintasan.