Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 28:17-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang ika-15 araw ang simula ng pista, at pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.

18. Sa unang araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.

19. Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong tupang tig-iisang taĆ³ng gulang at walang kapintasan.

20. Ito'y sasamahan ninyo ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis para sa bawat toro, isang salop sa bawat lalaking tupa

21. at kalahating salop sa bawat batang tupa.

22. Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng kasalanan ng bayan.

23. Ang mga ito'y ihahandog ninyo bukod pa sa pang-araw-araw na handog.