Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 27:7-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. “Tama ang mga anak ni Zelofehad. Dapat magkaroon ng kaparte ang kanilang ama. Ang mana niya ay ibigay mo sa kanyang mga anak.

8. At sabihin mo sa mga Israelita na kapag ang isang tao'y namatay na walang anak na lalaki, ang mana niya ay ibibigay sa mga anak na babae.

9. Kung wala ring anak na babae, ang kaparte niya ay ibibigay sa kanyang mga kapatid.

10. Kung wala siyang kapatid na lalaki ay ibibigay sa kanyang mga tiyo

11. at kung wala pa rin siyang tiyo, ang mana'y ibibigay sa pinakamalapit niyang kamag-anak. Ito ay mananatiling tuntunin sa Israel. Akong si Yahweh ang nagtakda nito bilang kautusan at tuntuning susundin ninyo.”

12. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka sa Bundok ng Abarim at tanawin mo ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita.

13. Pagkatapos, mamamatay ka na. Makakapiling mo na ang iyong mga yumaong magulang, tulad ng nangyari kay Aaron na iyong kapatid.

14. Sumuway ka rin sa akin sa ilang ng Zin nang maghimagsik sa akin ang buong sambayanan doon sa Meriba. Hindi mo pinakita sa mga Israelita doon sa may bukal na ako ay banal.” (Ito ang bukal doon sa Meriba sa Kades na nasa ilang ng Zin.)

15. Sinabi ni Moises,

16. “Hinihiling ko, Yahweh, Diyos na bukal ng buhay, na pumili kayo ng isang taong

17. mangunguna sa Israel upang ang iyong sambayanan ay hindi matulad sa mga tupang walang pastol.”

18. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay.