Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 26:46-57 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

46. Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera.

47. Lahat-lahat sa lipi ni Asher ay 53,400.

48. Sa lipi ni Neftali ay ang mga angkan nina Jahzeel, Guni,

49. Jezer at Silem.

50. Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400.

51. Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730.

52. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

53. “Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi.

54. Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang.

55. Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi.

56. Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.”

57. Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari.