Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 26:27-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Silang lahat ay 60,500.

28. Sa lipi ni Jose na may dalawang anak ay ang mga angkan nina Manases at Efraim.

29. Sa lipi ni Manases ay ang angkan ni Maquir at ang anak nitong si Gilead.

30. Ang angkan ni Gilead ay binubuo ng mga sambahayan nina Jezer, Helec,

31. Asriel, Shekem,

32. Semida, at Hefer.

33. Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirza.

34. Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700.

35. Sa lipi ni Efraim ay ang mga angkan nina Sutela, Bequer, at Tahan.

36. Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan.

37. Ang kabuuang bilang sa lipi ni Efraim ay 32,500. Ito ang mga angkang nagmula sa lipi ni Jose.

38. Sa lipi ni Benjamin ay ang mga angkan nina Bela, Asbel, Ahiram,

39. Sufam, at Hufam.

40. Ang bumubuo sa angkan ni Bela ay ang mga sambahayan nina Ard at Naaman.

41. Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600.

42. Sa lipi ni Dan ay ang angkan ni Suham

43. na ang kabuuang bilang ay 64,400.

44. Sa lipi ni Asher ay ang mga angkan nina Imna, Isvi, at Beria.

45. Ang angkan ni Beria ay binubuo ng mga sambahayan nina Heber at Malquiel.

46. Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera.