Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 24:3-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. at siya'y nagsalita,“Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor,ang pahayag ng taong may malinaw na paningin.

4. Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos,at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin.

5. Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda;kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan.

6. Wari'y napakalawak na libis,parang hardin sa tabi ng batis.Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh,matataas na punong sedar sa tabing mga bukal.

7. Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan,kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar.Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag,at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak.

8. Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto;ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro.Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin;sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin.

9. Siya'y parang leon sa kanyang higaan,walang mangahas gumambala sa kanyang pagkahimlay.Pagpalain nawa ang sa iyo ay nagpapala;susumpain ang lahat ng sa iyo ay susumpa.”

10. Galit na galit si Balac kay Balaam. Nanggigil siya sa galit at kanyang sinabi, “Ipinatawag kita upang sumpain ang aking mga kaaway. Ngunit anong ginawa mo? Tatlong beses mo pa silang binasbasan!

11. Mabuti pa'y umuwi ka na! Pararangalan sana kita pero hinadlangan iyon ni Yahweh.”

12. Sinabi ni Balaam kay Balac, “Sinabi ko na sa iyong mga sugo