Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 24:20-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya:“Ang Amalek ay bansang pangunahin,ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”

21. Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo:“Tirahan mo ay matibay at matatag.

22. Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas.Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.”

23. Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag,“Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos?

24. Darating ang mga barko, mula sa Kitimupang kanilang lusubin si Asur at si Eber,ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.”

25. Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.