Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 24:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos,ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos,ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin.

17. Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap,nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap.Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin,sa lahi ni Israel ay may maghahari rin.Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin,lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin.

18. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir,samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel.

19. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel,ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.”