Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 2:1-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron:

2. Ang mga Israelita'y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.

9. Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.

16. Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 151,450. Ang pangkat na ito ang susunod sa pangkat na pangungunahan ng lipi ni Juda.

17. Maging sa paglilipat ng Toldang Tipanan, ang pangkat ng mga Levita ay mananatili sa gitna ng ibang mga pangkat. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, mananatili ang bawat pangkat sa dating ayos sa ilalim ng kani-kanilang watawat.

24. Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 108,100. Sila ang pangatlo sa hanay.

31. Ang pangkat na ito ay umaabot sa 157,600. Sila ang kahuli-hulihan sa hanay ng mga kawal.