Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 16:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Naghimagsik laban kay Moises si Korah na anak ni Izar at apo ni Kohat na anak ni Levi. Kasama niya sa paghihimagsik na ito sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na pawang buhat sa lipi ni Ruben.

2. May kasama pa silang 250 katao na pawang kilala sa bayan at mga pinuno ng kapulungan.

3. Hinarap nila sina Moises at Aaron at sinabi, “Sobrana'yang ginagawa ninyo! Lahat ng nasa kapulungang ito ay nakalaan kay Yahweh at siya ay nasa kalagitnaan natin! Bakit itinataas ninyo ang inyong sarili higit pa sa kapulungang ito?”

4. Nang marinig ito ni Moises, nagpatirapa siya sa lupa.

5. Sinabi niya kina Korah, “Bukas ng umaga, ipapakita sa inyo ni Yahweh kung sino ang tunay na nakalaan sa kanya at kung sino lamang ang maaaring lumapit sa kanya. Ang makakalapit lamang sa kanya ay ang kanyang pinili.”