Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 15:13-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ganito nga ang gagawin ng mga katutubong Israelita sa pagdadala nila ng handog na mabangong samyo kay Yahweh.

14. Ganito rin ang gagawin ng dayuhang nakikipamayan sa inyo kung nais nilang mag-alay ng mabangong handog kay Yahweh.

15. Isa lamang ang tuntuning susundin ninyo at ng mga dayuhan sa habang panahon. Kung ano kayo sa harapan ni Yahweh ay gayon din ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo.

16. Magkaroon lamang kayo ng iisang Kautusan at tuntuning susundin ng lahat, maging Israelita o dayuhan.”

17. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

18. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay ko sa inyo,

19. magbubukod kayo ng handog kay Yahweh tuwing kayo'y kakain ng mga pagkain doon.