Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 14:25-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Kaya bukas, magpatuloy kayo sa paglalakbay patungong Dagat na Pula. Lumigid kayo sa ilang sapagkat ang mga Amoreo at Cananeo ay nasa kapatagan.”

26. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,

27. “Hanggang ngayo'y patuloy pa rin ang mga Israelita sa pagrereklamo laban sa akin. Kailan pa ba sila tatahimik?

28. Sabihin ninyo sa kanila na ito ang ipinapasabi ko: ‘Habang buháy akong si Yahweh, gagawin ko sa inyo ang narinig kong gusto ninyong mangyari.