Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 10:30-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

30. “Hindi na ako sasama sa inyo sapagkat nais kong bumalik sa aking mga kamag-anak,” sagot niya.

31. “Sumama ka na sa amin sapagkat kabisado mo ang pasikut-sikot sa ilang. Maituturo mo sa amin kung saan kami maaaring magkampo.

32. Pagdating natin doon, babahaginan ka namin ng anumang pagpapalang ibibigay sa amin ni Yahweh,” sabi ni Moises.

33. At mula sa Bundok ni Yahweh, naglakbay sila nang tatlong araw. Ang Kaban ng Tipan ay iniuna sa kanila nang tatlong araw para ihanap sila ng lugar na pagkakampuhan.

34. Kung araw, nilililiman sila ng ulap ni Yahweh habang naglalakbay.

35. Tuwing ilalakad ang Kaban ng Tipan, ito ang sinasabi ni Moises:“Magbangon ka, Yahweh, kaaway ay pangalatin.Itaboy mo ang iyong mga kaawayat magtatakbuhan sa takot ang lahat ng napopoot sa iyo.”

36. At kapag inihihinto na nila sa paglalakbay ang Kaban ng Tipan, ito naman ang sinasabi niya:“Manumbalik ka, Yahweh, sa libu-libong angkan ng Israel.”