Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 10:23-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Ang lipi ni Manases ay pinamumunuan ni Gamaliel na anak ni Pedazur,

24. at ang lipi ni Benjamin ay pinangungunahan naman ni Abidan na anak ni Gideoni.

25. Ang pangkat nina Dan ang kahuli-hulihan at siyang nagsisilbing tanod na nasa huling hanay. Sila'y pangkat-pangkat din ayon sa angkan at pinangungunahan ni Ahiezer na anak ni Amisadai.

26. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran

27. at ang pinuno naman ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.

28. Ganito nga ang ayos ng buong Israel tuwing sila'y magpapatuloy sa paglalakbay.

29. Kinausap ni Moises si Hobab na anak ni Ruel na Midianita, isang kamag-anak ng asawa ni Moises. Ang sabi niya, “Sumama ka sa amin patungo sa dakong ibinibigay sa amin ni Yahweh at bibigyan ka namin ng kasaganaang ipinangako niya sa amin.”

30. “Hindi na ako sasama sa inyo sapagkat nais kong bumalik sa aking mga kamag-anak,” sagot niya.

31. “Sumama ka na sa amin sapagkat kabisado mo ang pasikut-sikot sa ilang. Maituturo mo sa amin kung saan kami maaaring magkampo.