Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 10:13-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ito ang una nilang paglalakbay mula nang ibigay ni Yahweh kay Moises ang mga tuntunin ukol dito.

14. Nauuna ang pangkat sa ilalim ng watawat ni Juda ayon sa kani-kanilang lipi at sa pamumuno ni Naason na anak ni Aminadab.

15. Si Nathanael naman na anak ni Zuar ang pinuno ng lipi ni Isacar

16. at si Eliab na anak ni Helon ang nangunguna sa lipi ni Zebulun.

17. Kapag nakalas na at naihanda na sa pag-alis ang tabernakulo, susunod ang mga anak ni Gershon at ni Merari, na siyang nagpapasan ng binaklas na tabernakulo.

18. Kasunod ang pangkat nina Ruben ayon sa kanya-kanyang angkan, at pinangungunahan ni Elizur na anak ni Sedeur.

19. Ang lipi naman ni Simeon ay pinangungunahan ni Selumiel na anak ni Zurisadai

20. at ni Eliasaf na anak ni Deuel naman sa lipi ni Gad.

21. Kasunod ng pangkat nina Ruben ang mga Levita mula sa angkan ni Kohat, dala ang mga sagradong bagay. Pagdating nila sa susunod na pagkakampuhan, muli nilang itatayo ang tabernakulo.

22. Kasunod naman ang pangkat ni Efraim ayon sa kani-kanilang angkan sa ilalim ng pamumuno ni Elisama na anak ni Amiud.

23. Ang lipi ni Manases ay pinamumunuan ni Gamaliel na anak ni Pedazur,

24. at ang lipi ni Benjamin ay pinangungunahan naman ni Abidan na anak ni Gideoni.

25. Ang pangkat nina Dan ang kahuli-hulihan at siyang nagsisilbing tanod na nasa huling hanay. Sila'y pangkat-pangkat din ayon sa angkan at pinangungunahan ni Ahiezer na anak ni Amisadai.

26. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran

27. at ang pinuno naman ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.