Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 1:4-51 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. at sa pinuno ng bawat angkan.”

17. Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron,

18. at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi.

19. Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.

44-45. Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel.

46. Ang kabuuang bilang ay 603,550.

47. Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito

48. sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises:

49. “Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita.

50. Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito.

51. Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin.