Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 99:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay,mga tao'y nanginginig,trono'y sa ibabaw ng mga kerubin,kaya daigdig ay nayayanig.

2. Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa,si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.

3. Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan,si Yahweh ay banal!

4. Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran,ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan;ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan;sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan!Si Yahweh ay banal!

6. Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba;nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.

7. Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap;sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.