Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 95:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. “Iyang inyong puso'yhuwag patigasin, tulad ng ginawang inyong magulangnang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.

9. Ako ay tinukso'tdoon ay sinubok ng inyong magulang,bagama't nakitaang aking ginawang sila'ng nakinabang.

10. Apatnapung taon,sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,ang aking sinabi,‘Sila ay suwail, walang pakundanganat ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’

11. Kaya't sa galit ko,ako ay sumumpang hindi sila makakapasokat makakapagpahinga sa aking piling.”