3. Sapagkat si Yahweh,siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,ang dakilang Haringhigit pa sa sinuman na dinidiyos.
4. Nasa kanyang paladang buong daigdig, pati kalaliman;ang lahat ay kanyamaging ang mataas nating kabundukan.
5. Kanya rin ang dagatat pati ang lupa na kanyang nilalang.
6. Tayo na't lumapit,sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,lumuhod sa harapni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
7. Siya ang ating Diyos,at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,mga tupang kanyang inaalagaan.At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:
8. “Iyang inyong puso'yhuwag patigasin, tulad ng ginawang inyong magulangnang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.
9. Ako ay tinukso'tdoon ay sinubok ng inyong magulang,bagama't nakitaang aking ginawang sila'ng nakinabang.