Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Unawain ninyo, bayan, kayong kulang ang isipan;hanggang kailan pa durunong kayong mga taong mangmang?

9. Itong Diyos na lumikha nitong ating mata't tainga,akala ba ninyo'y bingi at ni hindi makakita?

10. Sa lahat ng mga bansa di ba siya ang hahatol?Di ba siya'ng guro nila pagkat siya ang marunong?

11. Batid ni Yahweh mga plano nating baluktot,katulad lang ng hininga, madaling malagot.

12. Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral,silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.