Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:3-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Hanggang kailan kaya, Yahweh, magagalak ang masama?Hanggang kailan ibabantog ang kanilang mga gawa?

4. Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog,upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot?

5. Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo,Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.

6. Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa,pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

7. Madalas na sinasabi, “Hindi kami pansin ni Yahweh,hindi kami nakikita ni pansin ng Diyos ni Jacob.”

8. Unawain ninyo, bayan, kayong kulang ang isipan;hanggang kailan pa durunong kayong mga taong mangmang?

9. Itong Diyos na lumikha nitong ating mata't tainga,akala ba ninyo'y bingi at ni hindi makakita?

10. Sa lahat ng mga bansa di ba siya ang hahatol?Di ba siya'ng guro nila pagkat siya ang marunong?