Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:17-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan,akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.

18. Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,”dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag.

19. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin,ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.

20. Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama,na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama?

21. Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban,ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan.

22. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol.Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.

23. Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti,lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti;ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.