Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama?Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa?

17. O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan,akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.

18. Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,”dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag.

19. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin,ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.