Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:12-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral,silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.

13. Pagkat sila'y magdaranas ng kapahingahan,hanggang yaong masasama'y mahulog sa kanilang hukay.

14. Mga lingkod ni Yahweh ay hindi niya iiwanan,itong mga hirang niya'y hindi niya tatalikdan;

15. mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan,diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.

16. Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama?Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa?

17. O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan,akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.