Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 94:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Karapatang magparusa, O Yahweh, ay taglay mo,ipakita mo ngayon ang karapatang ganito;

2. Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol,ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol.

3. Hanggang kailan kaya, Yahweh, magagalak ang masama?Hanggang kailan ibabantog ang kanilang mga gawa?

4. Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog,upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot?

5. Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo,Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.

6. Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa,pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

7. Madalas na sinasabi, “Hindi kami pansin ni Yahweh,hindi kami nakikita ni pansin ng Diyos ni Jacob.”