Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 92:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang magpasalamatkay Yahweh ay mabuting bagay,umawit na lagipurihin ang ngalang Kataas-taasan.

2. Pag-ibig niyang wagasay dapat ihayag, kung bukang-liwayway,pagsapit ng gabiang katapatan niya'y ihayag din naman.

3. Ito'y ipahayagsa saliw ng alpa't tugtuging salteryo,sa magandang himigng tugtuging lira'y ipahayag ito.

4. Ako'y nagagalaksa iyong ginawa na kahanga-hanga,sa lahat ng itoako'y umaawit dahilan sa tuwa.

5. O pagkadakila!Kay dakila, Yahweh, ng iyong ginawa,ang iyong isipanay sadyang mahirap naming maunawa.

6. Sa kapos na isip,ang bagay na ito ay di nalalaman,hindi maliliripni mauunawa ng sinumang mangmang:

7. ang mga masamakahit na dumami't sila ma'y umunlad,kanilang hantunganay tiyak at lubos na kapahamakan;

8. sapagkat ikaw lang,Yahweh, ang dakila't walang makatulad.

9. Nababatid naminglilipuling lahat ang iyong kaaway,at lahat ng taongmasama ang gawa ay mapipilan.