Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 91:5-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.

6. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.

7. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.