Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 91:12-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

13. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.

14. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.

15. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

16. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”