Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 90:10-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad,minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap,pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.

11. Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok?Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?

12. Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon,itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

13. Hanggang kailan pa ba, Yahweh, ang ganitong kalagayan?Parang awa mo na, mga lingkod mo'y iyong tulungan!

14. Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig,at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit.

15. At ang aming kahirapan palitan mo ng ginhawa,singhaba rin ng panahon ang ipalit na ligaya.

16. Ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayon din.

17. Panginoon naming Diyos, kami sana'y pagpalain,magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin!Magtagumpay nawa kami!