Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 90:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan,buhat pa nang simulang lumitaw ang aming angkan.

2. Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang,hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,ikaw noon ay Diyos na,pagkat ika'y walang hanggan.

3. Yaong taong nilikha mo'y bumabalik sa alabok,sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.

4. Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

5. Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis,parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.

6. Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak,kung gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.

7. Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos,sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.

8. Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag,mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.

9. Sa kamay mo'y nagwawakas itong hiram naming buhay,parang bulong lamang ito na basta lang dumaraan.

10. Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taĆ³ng singkad,minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap,pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.

11. Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok?Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?