Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 9:2-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan,pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

3. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway,sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan.

4. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol,matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.

5. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama;binura mo silang lahat sa balat ng lupa.

6. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan,ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan,at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan.

7. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol,itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.

8. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.

9. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

10. Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan,dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.

11. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri,sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!