Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 9:13-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan,masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan,

14. upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay.Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay.

15. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila;sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila!

16. Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala,at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah)

17. Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos,pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

18. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha;hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

19. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao!Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo.

20. Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan,at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)