Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 89:47-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

47. Alam mo, O Yahweh, ang buhay ng tao ay maikli lamang sa balat ng mundo;papanaw na lahat silang nilikha mo.

48. Sino ba'ng may buhay na hindi papanaw?Paano iiwas sa kanyang libingan tayong mga taong ngayo'y nabubuhay? (Selah)

49. Nasaan ang alab ng dating pag-ibig at tapat na sumpang ginawa kay David?Nasaan, O Diyos? Iyong ipabatid.

50. Iyong nalalaman ang mga pasakit ng abâ mong lingkod, na pawang tiniis;ang mga pagkutya na kanyang sinapit sa kamay ng taong pawang malulupit.