38. Subalit ngayon, siyang iyong hirang,ay itinakwil mo at kinagalitan;
39. binawi mo pati yaong iyong tipan,ang kanyang korona ay iyong dinumhan.
40. Ang tanggulan niya ay iyong winasak,mga muog niya'y iyong ibinagsak.
41. Lahat ng magdaa'y nagsasamantala,ang ari-arian niya'y kinukuha;bansa sa paligid, pawang nagtatawa.
42. Iyong itinaas ang kanyang kaaway,tuwang-tuwa sila't pinapagtagumpay.
43. Ang sandata niya'y nawalan ng saysay,binigo mo siya sa kanyang paglaban.
44. Yaong kanyang trono at ang setrong hawak,inalis sa kanya't iyong ibinagsak.