36. Lahi't trono niya'y hindi magwawakas,hanggang mayro'ng araw tayong sumisikat;
37. katulad ng buwan na hindi lilipas,matatag na tanda doon sa itaas.” (Selah)
38. Subalit ngayon, siyang iyong hirang,ay itinakwil mo at kinagalitan;
39. binawi mo pati yaong iyong tipan,ang kanyang korona ay iyong dinumhan.
40. Ang tanggulan niya ay iyong winasak,mga muog niya'y iyong ibinagsak.
41. Lahat ng magdaa'y nagsasamantala,ang ari-arian niya'y kinukuha;bansa sa paligid, pawang nagtatawa.