Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 89:22-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Di siya malulupig ng kanyang kaaway,ang mga masama'y di magtatagumpay.

23. Aking dudurugin sa kanyang harapan,silang namumuhi na mga kaaway.

24. Ang katapatan ko't pag-ibig na wagas, ay iuukol ko't aking igagawad,at magtatagumpay siya oras-oras.

25. Mga kaharia'y kanyang masasakop,dagat na malawak at malaking ilog.

26. Ako'y tatawaging Ama niya't Diyos,tagapagsanggalang niya't manunubos.

27. Gagawin ko siyang panganay at hari,pinakamataas sa lahat ng hari!

28. Ang aking pangako sa kanya'y iiralat mananatili sa aming kasunduan.

29. Laging maghahari ang isa niyang angkan,sintatag ng langit yaong kaharian.

30. “Kung ang mga anak niya ay susuway,at ang aking utos ay di igagalang,

31. kung ang aking aral ay di papakingganat ang kautusa'y hindi iingatan,

32. kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila,sila'y hahampasin sa ginawang sala.

33. Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David,ay di magbabago, hindi mapapatid.

34. Ang tipan sa kanya'y di ko sisirain,ni isang pangako'y di ko babawiin.