Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 89:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ang iyong pag-ibig walang katapusan,sintatag ng langit ang iyong katapatan.

3. Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirangat ito ang iyong pangakong iniwan:

4. “Isa sa lahi mo'y laging maghahari,ang kaharian mo ay mamamalagi.” (Selah)

5. Nagpupuri silang nilikha sa langit, ang iyong ginawa'y siyang binabanggitang katapatan mo, Yahweh, ay inaawit.

6. O Yahweh, Makapangyarihan sa lahat, sino'ng kaparis mo doon sa itaas?Mga nilalang doon sa kalangitan, kay Yahweh ba sila ay maipapantay?

7. Sa pagtitipon man ng lahat ng hinirang,may banal na takot sa iyo at paggalang.

8. O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos?Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo'y sadyang lubus-lubos.

9. Sumusunod sa iyo dagat mang mabangis,alon mang malaki'y napapatahimik.