13. Ang taglay mong lakas at kapangyarihan,ay walang kaparis, di matatawaran!
14. Ang kaharian mo ay makatarungan,saligang matuwid ang pinagtayuan;wagas na pag-ibig at ang katapatan,ang pamamahala mong ginagampanan.
15. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan kaat sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.
16. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri,ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
17. Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,dahilan sa iyong kagandahang-loob.