1. Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin;ang katapatan mo'y laging sasambitin.
2. Ang iyong pag-ibig walang katapusan,sintatag ng langit ang iyong katapatan.
3. Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirangat ito ang iyong pangakong iniwan:
4. “Isa sa lahi mo'y laging maghahari,ang kaharian mo ay mamamalagi.” (Selah)
5. Nagpupuri silang nilikha sa langit, ang iyong ginawa'y siyang binabanggitang katapatan mo, Yahweh, ay inaawit.
6. O Yahweh, Makapangyarihan sa lahat, sino'ng kaparis mo doon sa itaas?Mga nilalang doon sa kalangitan, kay Yahweh ba sila ay maipapantay?