Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 88:6-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,na tulad ng libingan na ubod ng dilim.

7. Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton,ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah)

8. Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan,hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan,kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan.

9. Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam,kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw,sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.

10. Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,para purihin ka niyong mga patay? (Selah)

11. Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag,o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?

12. Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita,o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?

13. Sa iyo, O Yahweh, ako'y nananangis at nananawagan,sa tuwing umaga ako'y tumatawag sa iyong harapan.

14. Di mo ako pansin, Yahweh, aking Diyos, di ka kumikibo.Bakit ang mukha mo'y ikinukubli mo, ika'y nagtatago?

15. Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay;ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.