Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 88:2-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan,sa aking pagdaing ako ay tulungan.

3. Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema.Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na.

4. Ibinilang ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak,ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas.

5. Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay,animo'y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan.Tulad na rin ako nitong mga tao na iyong nilimot,parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot.

6. Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,na tulad ng libingan na ubod ng dilim.

7. Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton,ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah)

8. Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan,hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan,kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan.

9. Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam,kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw,sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.

10. Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,para purihin ka niyong mga patay? (Selah)

11. Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag,o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?

12. Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita,o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?