Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 88:15-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay;ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.

16. Sa aking sarili, tindi ng galit mo'y aking nadarama,ako'y mamamatay kundi ka hihinto ng pagpaparusa.

17. Parang baha sila kung sumasalakay sa aking paligid,sa buong maghapon kinukubkob ako sa lahat ng panig.

18. Iyong pinalayo mga kaibigan pati kapitbahay;ang tanging natira na aking kasama ay ang kadiliman.