Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 87:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,

2. ang lunsod na ito'yhigit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

3. Kaya't iyong dingginang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)

4. “Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama,aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”

5. At tungkol sa Zion,sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

6. Si Yahweh ay gagawa,ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)