Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 86:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin,tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing;ako'y mahina na't wala nang tumingin.

2. Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan,lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.

3. Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan,sa buong maghapo'y siyang tinatawagan.

4. Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak,pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag.

5. Mapagpatawad ka at napakabuti;sa dumadalangin at sa nagsisisi,ang iyong pag-ibig ay mananatili.

6. Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin,tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin.

7. Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag,iyong tinutugon ang aking pagtawag.

8. Sa sinumang diyos wala kang kawangis,sa iyong gawai'y walang makaparis.

9. Ang lahat ng bansa na iyong nilalang,lalapit sa iyo't magbibigay galang;sila'y magpupuri sa iyong pangalan.