5. Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din,silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.
6. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan,tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan.
7. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas,batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
8. Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos,O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah)