Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 84:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok.Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod,sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

3. Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad,maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak,may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.

4. Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahanat palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)

5. Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din,silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.

6. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan,tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan.

7. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas,batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.

8. Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos,O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah)

9. Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal,pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang.