Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 84:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh!

2. Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok.Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod,sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.

3. Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad,maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak,may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.