Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 81:9-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.

10. Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.

11. “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin,di ako sinunod ng bayang Israel,

12. sa tigas ng puso, aking hinayaangang sarili nilang gusto'y siyang sundan.

13. Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin,sundin ang utos ko ng bayang Israel;

14. ang kaaway nila'y aking lulupigin,lahat ng kaaway agad lilipulin.

15. Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot,ang parusa nila'y walang pagkatapos.