Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 80:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ika'y manumbalik, O Diyos na Dakila!Pagmasdan mo kami mula sa itaas,at ang punong ito'y muling pagyamanin, at iyong iligtas.

15. Lumapit ka sana, ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,yaong punong iyon na pinalago mo't iyong pinalakas!

16. Ito ay sinunog, sinunog pa nila ang nasabing puno matapos maputol,sa galit mo't poot ay iyong harapin nang sila'y malipol.

17. Ang mga lingkod mo ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay ipagsanggalang,iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!

18. At kung magkagayon, magbabalik kami't di na magtataksil sa iyo kailanman,kami'y pasiglahi't aming pupurihin ang iyong pangalan.

19. Ibalik mo kami, O Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat;tanglawan mo kami't sa kahabagan mo, kami ay iligtas!